Anong gagawin pag Kailangan ko ng Tulong?

Sa kanlungan ng mga Babae sa Mödling makatanggap ka hindi lng Proteksyon kundi Tulong din. Sa lahat ng oras pwedeng magtanong tungkol sa pamimihasa sa katawan, kaisipan/ sa pagtatalik/ ekonomiya at karahasan sa Lipunan.

Mga importanteng dalhin sa tuwing may Emergency:

  • ID card ( Pasaporte), sa Iyo at sa iyong anak
  • Residency at Working Permit (sa mga Imigrante)
  • E-Card
  • Sertipiko ng Kasal
  • Sertipiko ng Kapanganakan( Iyo at sa iyong anak)
  • At iba pang mgd Dokumento (Halimbawa Kontrata sa Upa, dokumento ng Bakuna, mga kasunduan sa Uyang/Kredit at iba pa
  • Mga Dokumentong Panghukuman (Hukom, mga desisyon sa Hukoman
  • Sertipiko Medikal
  • Pera, ATM, libro sa Pagtitipid
  • Mga Gamot

 

Anong gagawin sa mga Bata?

Kahit may Karapatan ang iyong asawa sa bata, pwede mo pa ring dalhin.

Huwag Kalimutan:

  • Mga gamit sa skwelahan ng Bata
  • Paboritong laruan ng Bata o Larawan
  • Mga damit mo at sa Bata

Sa Pag alis ng Tinitirhan:

  • Panatilihing lihim ang pag alis sa tinitirhan
  • Huwag mag iwan ng numero sa telepono
  • Burahin ang mga nkasulat na mga numero
  • Ipag-alam mo lng sa mga mkapagkatiwalaan mong tao ang iyong plano
  • Patayin mo ang iyong telepono (baka may nkalagay na “spy software”)

Mga pagkakataon sa Pagpayo/Pagkunsolta:

Pagkunsulta sa telepono sa buong araw at gabi sa mga apektado, kamag anak at ibang institusyon:  Tel.# +43 2236 46549

Kunsoltasyon para sa “Outpatient”, sa Personal na Kunsultasyon maaari pong gumawa ng “Appointment”.

Lahat ng Kunsultasyon ay libre at tinatrato na Kumpidensyal. Ang lugar sa Kanlungan ng mga Babae ay Lihim at hindi makikita sa Internet o Libro ng Telepono. Sa pamamagitan ng Kasunduan o Appointment doon mo lng malalaman kng saan kayo magkikita.